Naglabas na rin ng negatibong drug test result si presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao.
Kasunod ito ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kandidato sa pagkapangulo sa 2022 election ang gumagamit ng droga partikular ang cocaine.
Ginawa ang drug test result sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA) noong August 20 hanggang 21, 2021.
Ang VADA ay isang independent organization na nag-aalok at nagsusulong ng epektibong programa kontra droga para sa mga manlalaro ng boxing at Mixed Martial Arts (MMA).
Unang nagpa-drug test si Pacquaio sa VADA noong July 8 hanggang 11, 2021 bilang paghahanda sa laban nito kay Youdenis Ugas.
Maliban kay Pacquiao, una na ring naglabas ng negatibong resulta ang kapwa nito presidential aspirant at dating Senator Bongbong Marcos na natanggap na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Si Pacquiao ang pang-apat na kandidato sa national election na nagpa-test at nagnegatibo dito kasunod nina Senate President Vicente Sotto, Senator Panfilo Lacson at Bongbong Marcos.