Senator Manny Pacquiao, nanindigan na lehitimo ang kaniyang pagiging pangulo ng PDP-LABAN

Nanindigan si Senator Manny Pacquiao na siya ang lehitimong pangulo ng kanilang partido na PDP-LABAN.

Sa kaniyang press conference kahapon, sinabi ni Pacquiao na hindi siya “acting president” kundi lehitimo ang pagkakatalaga sa kaniya batay na rin sa kanilang sinusunod na panuntunan.

Matatandaang kamakailan ay sinabihan ni PDP-LABAN Vice-Chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi si Pacquiao na dapat muna siyang umalis sa partido bago niya batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang chairman.


Samantala, magdaraos ng pagpupulong ang PDP-LABAN council sa Hulyo 16 upang talayin ang magiging national assembly sa Hulyo 17 kung saan posibleng magkaroon din sila ng eleksiyon para sa mga bagong opisyal ng partido.

Facebook Comments