Nanumpa ngayong araw si Senator Manny Pacquiao bilang bagong miyembro ng Philippine Army-Multi-Sector Advisory Board (PA-MSAB).
Sa pamamagitan ng video teleconference, pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay ang oath taking at pinning ceremony.
Naniniwala si Gapay na ang karanasan ni Senator Pacquiao sa good governance ay makakatulong para magpatuloy ang Army Transformation Roadmap at mapa-angat pa ang volunteerism at shared responsibility sa hanay ng Philippine Army.
Sa ngayon, sinusuportahan din ng senador ang ginagawa ng mga sundalo na physical fitness.
Natutuwa naman si Gapay dahil mayroon world class partner ang Philippine Army sa pagsulong ng good governance.
Facebook Comments