Senator Nancy Binay, handang makipag-usap at makipagkasundo kay Senator Alan Peter Cayetano

Handa na rin si Senator Nancy Binay na humarap sa conciliation meeting ng Senate Committee on Ethics kaugnay sa reklamong inihain niya laban kay Senator Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Binay, handa siyang sumunod dito kung ito man ay bahagi ng proseso para talakayin ang kaniyang reklamo.

Nagpaabot din ang senadora ng kahandaang makipagkasundo kay Cayetano sa pagsasabing likas sa pagiging Kristiyano ang maging mapagpatawad.


Nauna rito ay tiniyak din ni Cayetano ang pagharap sa conciliation meeting kaugnay sa reklamo sa kaniya ni Binay.

Matatandaang naging mainit ang paghaharap nina Cayetano at Binay sa unang public hearing ng Senate Committee on Accounts kaugnay sa ipinapatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City.

Facebook Comments