Senator Nancy Binay, naghain na ng reklamo laban kay Senator Alan Peter Cayetano sa Ethics Committee

Photo: Radyoman Conde Batac

Naghain na ng reklamo sa Senate Ethics Committee si Senator Nancy Binay laban kay Senator Alan Peter Cayetano.

Personal na nagtungo si Binay sa opisina ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na Chairman ng Ethics Committee para ipa-receive ang reklamo.

Wala naman si Tolentino sa kaniyang opisina at hindi rin alam ng senador na ngayong araw maghahain ng reklamo ang senadora.


Personal ding isinumite ni Binay sa opisina ni Senator Alan Peter Cayetano ang kanyang reklamo bagama’t wala rin sa kaniyang opisina ang senador.

Naniniwala si Binay na may nilabag na rules sa Senado si Cayetano partikular ang pagsasabi nito ng mga “offensive” o nakasasakit na mga salita.

Ilan sa mga ito ang pagtawag ni Cayetano kay Binay ng “Marites”, “buang” at ang alegasyon na nagbibigay ang senadora ng scripted interviews sa sampung radio stations.

Facebook Comments