Senator Nancy Binay, umapela sa publiko na maging kalmado sa harap ng gulo sa Mindanao

Manila, Philippines – Nananawagan ngayon si Senator Nancy Binay sa publiko, lalung-lalo na sa Marawi City at mga kalapit lugar, na manatiling kalmado at ligtas sa lahat ng oras.

Ang mensahe ni Senator Binay ay kaugnay sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi, Lanao del Sur at sa idineklarang Martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Hiling pa ni Senator Binay sa taumbayan, magkaisa laban sa karahasan at pag-atake ng terorista.


Kaakibat nito ang pagsusulog pa rin ng ng civil at legal rights ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Maliban dito, umapela din ang senadora ng tulong para sa mga taga-Mindanao na apektado ng karahasan.
DZXL558

Facebook Comments