Senator Pacquiao, hinahanapan ng solusyon ang nga problema sa serbisyo ng internet sa bansa

Nakipagpulong si Senator Manny Pacquiao kasama si Senator Koko Pimentel sa mga opisyal ng SpaceX na isang space exploration company na pag-aari ng tech magnate at bilyonaryong si Elon Musk.

Sa pulong ay tinalakay ng SpaceX executives ang paggamit ng low orbit satellites para sa murang internet sa bansa.

Ayon kay Pacquiao, lubhang kailangan na magkaroon tayo ng sariling communications satellite dahil napakahalaga ng internet para sa face-to-face classes at upang mapahusay ang e-government services, at disaster relief and coordination, gayundin upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa kanilang mga mahal sa buhay.


Pinag-usapan din sa pulong ang paglulunsad ng spaceship launchpad sa Pilipinas lalo na sa bahagi ng Mindanao upang maibilang tayo sa map of space exploration at ito ay tiyak magbibigay ng libu-libong trabaho para sa mga Filipino scientists, engineers at laborers.

Binaggit din ni Pacquiao ang posibilidad ng paggamit ng Tesla batteries para sa jeepney modernization at ang paglikha ng massive subway system para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at iba pang lungsod sa bansa.

Inimbitahan naman ni Space X Government Relations head Rebecca Hunter si Pacquiao na bumisita sa Estados Unidos para makausap ang key leaders ng isa sa pinakamalaking private aerospace companies sa mundo at kanilang matalakay kung paano mapagtutulungan na maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments