Senator Pacquiao, ipinaliwanag ang rason ng desisyon huwag lumahok sa presidential debate na inorganisa ng SMNI

Gusto sanang daluhan ni PROMDI presidential aspirant Senator Manny Pacquiao, ang lahat ng debate at public forum na may kaugnayan sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 Elections.

Pero diin ni Pacquiao, hindi kaya ng kanyang konsensya na pagbigyan ang presidential debate na inorganisa ng SMNI na pag-aari ni Pastor Apollo Quibuloy.

Paliwanag ni Pacquiao, ito ay dahil sa akusasyon ng U.S government na may mga kabataan na umano’y minolestya at inabuso si Quiboloy.


Maliban dito ay binanggit ni Pacquiao, na mayroon din syang nakabinbin na cyber-libel case laban kay Quibuloy.

Ayon kay Pacquiao, mas mabuting tanggihan ang imbitasyon ng SMNI para hindi ito mabigyan ng anumang kahulugan na maaaring makaapekto sa inihain niyang kaso.

Facebook Comments