Ayon kay Senator Francis Tolentino kailangan ang presensya ni Senator Manny Pacquiao kapag isinagawa ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig ukol sa kanyang expose na katiwalian sa ilang ahensya ng pamahalaan.
Paliwanag ni Tolentino, si Pacquiao kasi ang nag-aakusa kaya kailangan itong magpresenta ng ebidensya.
Si Pacquiao ay nasa Amerika ngayon at nagsasanay para sa laban niya kay Errol Spence Jr., sa Agosto.
Sabi naman ni Senate President Tito Sotto III, kahit nasa US ay pwedeng dumalo si Pacquiao sa pagdinig ng Senado sa pamamagitan ng video conferencing.
Ayon kay SP Sotto, pwedeng tularan ni Pacquiao ang ibang mga senador na nakakadalo virtually sa mga session at pagdinig ng Senado.
Dagdag pa ni SP Sotto, mahalaga rin na maglabas si Pacquiao ng mga dokumento at ebidensyang magpapatunay sa isiniwalat niyang katiwalian sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Energy (DOE).