Ayon kay Senator Manny Pacquiao, bilyun-bilyong pisong halaga ang nakakamal umano ng EIMOP o Independent Electricity Market Operator of the Philippines na binigyan ng kapangyarihan ng Department of Energy (DOE) bilang independent electricity market.
Sa kaniyang virtual press conference ay ibinunyag ni Pacquiao na ibinigay sa EIMOP ang kontrata ng hindi man lang dumaan sa bidding.
Pagsisiwalat pa ni Pacquiao, mula sa 7,000 pesos na paid-up capital ay naging instant billion pesos company ang EIMOP sa loob lamang ng isang taon.
Dismayado si Pacquiao na hirap na hirap ang mamamayan dahil sa taas ng bilihin habang nagpapasarap naman umano ang mga nasa likod ng IEMOP.
Ang nabanggit na anumalya ay isa lamang sa mga katiwaliang suportado ng mga dokumento at ebidensyang hawak ni Paquiao.
Handa si Pacquiao na ibigay ang nabanggit na mga dokumento sa Presidential Anti-Corruption Commission at isusulong din niya na maimbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee.
Muli, binigyang diin ni pacquiao na hindi sya nakikipag-away sa pangulo at sa katunayan ay patuloy niya itong nirerespeto at nais tulungan para magtagumpay sa paglaban sa korapsyon.