Senator Pacquiao, nagdonate ng 700,000 face masks para sa mga ahensya na pangunahing tumutugon sa COVID-19 Pandemic

Umaabot sa 700,000 na galing sa korean ang ibinigay na donasyon ni Senator Manny Pacquiao sa mga ahensya na pangunahing tumutugon sa COVID-19 outbreak.

Kabilang sa mga nabigyan ng nabanggit na masks ay ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Metro Manila Development Authority (MMDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at Department of Health (DOH).

Ang turnover ceremony ay ginanap sa loob ng Camp Crame sa Quezon City kung saan personal na ipinakahagi ni Pacquiao ang mga mask.


Layunin ng hakbang ni Senator Pacquiao na matulungan ang front liners kontra COVID-19 na protektahan ang kanilang sarili.

Bukod dito ay inaasikaso na rin ng foundation ni Pacquiao ang pagpasok sa bansa 50,000 COVID-19 testing kits na donasyon naman ni Alibaba founder Chinese Billionaire Jack Ma.

Facebook Comments