Muling nagpadala si presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ng humanitarian flight sa Leyte na isa sa matinding sinalanta ng Bagyong Odette.
Ito ay may kargang iba’t ibang relief goods tulad ng blankets, solar powered flood lights, cup noodles, mineral water, bigas at sardinas.
Pinapahanda na rin ni Pacquiao ang relief goods na ipapadala sa Caraga region.
Ayon kay Pacquiao, inaantay na lamang niya ang report kung aling mga lugar sa Caraga Region ang matinding hinagupit ng bagyo at dapat iprayoridad na mabigyan ng tulong.
Nangako si Pacquiao na bibisitahin ang mga biktima ng kalamidad sa nabanggit na mga lugar.
Namahagi na rin si Pacquiao ng relief goods sa iba’t ibang parte ng Cebu.
Katuwang ni Pacquiao sa pamamahagi ng tulong ang the United Relief Operations (URO), na isang non-partisan umbrella organization ng iba’t ibang grupo na inorganisa ni Pacquiao para magbigay ng humanitarian relief sa mga biktima ng bagyo.
Bukod sa Manny Pacquiao Foundation, URO, kabahagi rin ng URO ang Wings Of Hope, the Tzu Chi Foundation, Veloce Group, Team Pacquiao GG at iba pang celebrity volunteers.