Taos pusong pasasalamat ang pangunahing mensahe ni Senator Manny Pacquiao para sa lahat ngayong Pasko.
Kabilang sa pinasalamatan ni Pacquiao ang magigiting na medical frontliners na nagsasakripisyo ngayong may pandemya, gayundin ang mga sundalo, pulis at mga volunteers.
Nagpasalamat din si Pacquiao sa mga guro, mag-aaral at mga magulang na sinisikap yakapin mga hamon na hatid ng new normal na uri ng edukasyon.
Nagpahayag din ng pagsaludo si Pacquiao sa dedikasyon at serbisyo ng mga manggagawa gayundin ang pagsisikap ng mga magsasaka at mangingisda upang tayo ay may makain sa pang-araw araw.
Pinuri rin ni Pacquiao ang lahat ng ating mga kababayan na patuloy na nagsisikap para makaahon ang ating ekonomiya.
Bukod sa isang maligayang Pasko ay hangad din ni Pacquiao na tamasahin ng lahat ang isang masaganang Bagong Taon.