Senator Pacquiao, nanawagan ng pagkakaisa para sa kaniyang laban sa boksing

858

Nanawagan si Senator Manny Pacquiao sa mamamayang Pilipino ng pagkakaisa para sa kaniyang laban kay Errol Spence Jr. sa August 21 na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.

Apela ni Pacquiao, huwag haluan ng pulitika ang karangalan nating lahat na magiging bunga ng hangad niyang tagumpay sa laban sa boksing.

Nagpasalamat din si Pacquiao sa lahat ng patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.


Bagama’t maraming isyung kinakaharap tulad ng mga expose niya patungkol sa korapsyon at problema sa pinamumunuang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP Laban ay tiniyak ni Pacquiao na buo pa rin ang focus niya sa kaniyang laban kay Spence.

Paalis na ngayon si Pacquiao patunong Amerika para mag-training at kaniyang binigyang diin na hindi ito nakaka-abala sa kaniyang pagtupad sa tungkulin bilang mambabatas lalo’t naka-recess din ngayon ang session ng Kongreso.

Facebook Comments