Sinuportahan ni PROMDI presidential candidate Senator Manny Pacquiao ang pasya ng United Nations General Assembly na i-isolate ang Russia dahil sa ginagawa nitong pagsakop sa Ukraine.
Bilang isang international figure, nananawagan si Pacquiao na resolbahin ang girian ng Ukraine at Russia sa mapayapang paraan.
Giit ni Pacquiao, hindi solusyon ang giyera kung saan maraming buhay lang ang mawawala at marami ding ari-arian ang masisira.
Paliwanag ni Pacquiao, ang digmaan ay magdudulot din sa paglaganap ng paghihirap sa buong mundo dahil sa epekto at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Diin ni Pacquiao, mareresolba lamang ang problema pag nag-uusap at pinag-uusapan ng maigi ang mga problema.
Dahil dito ay iminungkahi ni Pacquiao sa gobyerno na makiisa sa pagsusulong ng kapayapaan sa halip na kumampi sa Ukraine o kaya ay sa Russia.