Senator Pacquiao, naniniwalang nasa last three rounds na ang gulo sa Marawi

Manila, Philippines – Kumbaga sa boxing, ay nasa last three rounds na ang krisis sa Marawi City na hatid ng Maute terror group.

Ito ang bahagi ng mensahe ng pambansang kamao sa kanyan pagharap sa tropa ng 103rd brigade sa Marawi City.

Ayon sa senator, tiwalang syang malapit ng mapuksa ng tropa ng pamahalaan ang Maute.


Nagbiro pa ang senador na kapag hindi pa tapos ang bakbakan sa muli niyang pagbisita sa Marawi ay sya na mismo ang haharap sa mga kalaban.

Binigyang diin pa ni Senator Pacquiao sa mga sundalo na base sa nasusulat sa bibliya ay hindi kasalanan sa mata ng panginoon kung papatay ang mga ito ng tao para ipagtanggol ang bayan.

Yan kasi aniya ay bahagi ng kanilang trabaho.

Layunin ni Pacquiao sa kanyang pagbisita sa Marawi na pataasin ang morale ng mga sundalong pagtuloy na nakikipag bakbakan sa Maute terror group.

Nakasuot ng full military suit ng Elite Army Special Forces ay tumanggap ng briefing mula sa task force Marawi ang senador at namahagi din ng relief goods para sa mga sundalo.

Si Pacquiao ay isang reserve officer ng Philippine Army na may ranggong lieutenant colonel.

Facebook Comments