Senator Pacquiao, suportado ang pagsasagawa ng special session para magpasa ng panukalang pipigil sa pagpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo

Susuportahan ni PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao sakaling magpatawag ng special session ang liderato ng Senado para magpasa ng counterpart measure na pansamantalang magpapahinto sa pagpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo.

Nauna nang nagpasa ang Kamara ng panukala para sa moratorium sa excise tax for petroleum products.

Ayon kay Pacquiao, kontra siya sa pagtaas ng taxes dahil ang kailangan natin ay palakasin ang non-revenue income tulad ng mga kinikita mula sa public utilities at mga government-owned and controlled corporations o GOCC.


Para kay Pacquiao, mas makakabuti kung ihahayag ang iba pang mga pinagkukunan ng koleksyon para ‘yun ang pagtuunan ng pansin at mapalakas at makatulong sa paghahanap ng pondo ng gobyerno sa halip ng patuloy na pangungutang.

Naniniwala din si Pacquiao na may sabwatan ang mga petroleum companies na nagsasamantala sa tumataas na presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kaya naman para kay Pacquiao, mas makakabuti na silipin ang libor ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Facebook Comments