Iginiit ni Senator Panfilo Lacson na hindi siya uurong sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 national election kasama ang running-mate na si Senate President Vicente Sotto III.
Tinuldukan din ni Senator Lacson ang unity talks kasama si Vice President Leni Robredo.
Ayon sa Senador, na-insulto siya nang magpanukala umano si Senate Minority Leader Franklin Drilon na si Robredo na lamang ang gawing ka-tandem ni Sotto sa kanilang ikalawang pulong.
Pag-depensa naman ni Drilon, wala siyang naaalalang sinabi sa pulong o interpretasyon na ikinabit dito.
Nauna nang sinabi ni Robredo na hindi siya pumayag sa panukala ni Lacson na maghain muna ng kandidatura ang lahat ng kandidato atsaka tignan kung sino ang dapat na umatras.
Para kay Lacosn, naging malinaw sa kaniya na nais ng oposisyon na mapasailalim sa kanila ng mga kandidato.
Sa ngayon, mayroon nang 14 kakandidatong senador ang susuportahan ng Lacson-Sotto tandem.