Senator Pangilinan, binatikos ang pagdawit ni Secretary Aguirre sa LP sa Marawi Siege

Manila, Philippines – Tinawag ni Liberal Party o LP President Kiko Pangilinan na walang saysay ang muling pagkaladkad ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa LP umanoy destabilization efforts laban sa Duterte administration.

Ito ay makaraang idawit ni Aguirre ang miyembro ng LP na si Senator Bam Aquino sa Marawi Siege.

Kabilang din sa idinawit ni Aguirre ang mga kasapi ng minorya na sina Senator Antonio Trillanes IV at Magdalo Representative Gary Alejano.


Ayon kay Senator Pangilinan, sa closed door meeting ng mga senador ay binigyang diin nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon na walang intelligence information na nag-uugnay sa LP o sa oposisyon sa Marawi incident.

Binanggit din ni Pangilinan ang pahayag ni Trade Secretary Mon Lopez na nagtungo si Senator Bam sa Marawi para lamang daluhan ang DTI Go Negosyo Event

“During our Senate briefing on the situation in Marawi, we asked Secretary Lorenzana and Esperon point blank if they had intelligence information linking LP or the opposition to the Marawi incident and both denied having any such information.

Even DTI Secretary Mon Lopez went on record to say that Senator Aquino was in Marawi for a DTI Go Negosyo event. That makes 3 Cabinet Secretaries refuting Aguirre’s unfounded claims.”
DZXL558

Facebook Comments