Pinalitan na ni Senator Pia Cayetano si Senator Francis Tolentino bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ngayong hapon sa sesyon ay nagmosyon si Senate Majority Leader Joel Villanueva na ihalal bilang Chairperson ng Blue Ribbon si Sen. Pia matapos na matanggap ang resignation letter ni Tolentino na may petsang January 22, 2024.
Hindi naman nagbago ang komposisyon ng panel ng Blue Ribbon at tanging ang chairman lamang ang pinalitan.
Pinuri naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang desisyon ng mayorya kasabay naman ng pagbati sa senadora bilang kauna-unahang babaeng mambabatas na napili bilang Chairman ng makapangyarihang komite.
Matatandaang noong Disyembre ay umugong ang balitang nag-resign si Tolentino sa Senate Blue Ribbon Committee para bigyang daan ang kanyang kampanya para sa re-election bid nito sa 2025.