Itinuturing ni Senator Koko Pimentel ang sarili na recovered person o gumaling na mula sa COVID-19.
Ipinaalala ni Pimentel na March 20 noong nagpa-swab test sya na nagbigay ng positibong resulta sa COVID-19.
Diin ni Pimentel, ngayon ay May 2 na o lumipas na ang 44-araw kaya siguradong magaling na sya.
Sabi ni Pimentel, muli syang sumailalim sa COVID test noong April 13 at makalipas ang sampung araw ay lumabas na ang resulta na nagpapakitang negatibo na sya sa virus.
Gayunpaman ay hindi matiyak ni pimentel kung dadalo sya sa pagbubukas ng session ng Senado sa Lunes, May 4.
Ayon kay Pimentel, gusting-gusto niyang dumalo sa plenary session pero papakinggan niya muna ang medical at scientific advice sa kaniya.
Facebook Comments