Senator Pimentel, may mga inilatag na mga mungkahi kaugnay sa tensyon sa Ukraine

Iminungkahi ni Committee on Foreign Relations Chairman Senator Koko Pimentel sa gobyerno na mag-focus sa kaligtasan ng mga Filipino citizens sa Ukraine.

Ayon kay Pimentel, dapat din na manatiling neutral ang ating bansa hanggat wala pang masusing pag-aaral sa mga isyu ukol sa iringan ng Russia at Ukraine na nag-ugat sa geopolitical, security at historical.

Suhestyon ni Pimentel sa pamahalaan, manawagan sa lahat ng bansa na manatili sa kanilang UN Pledge o sinumpaan sa Uniten Nations na hindi gagamit ng pwersa laban sa bawat isa o kaya ay hindi magbabanta na gagamit ng dahas o puwersa.


Diin ni Pimentel, dapat din nating paghandaan ang tiyak na patuloy pang pagtaas ng presyo ng langis.

Facebook Comments