Tumanggi si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na pangalanan kung sino ang kandidatong tiwali at magnanakaw na dapat ay huwag iboto ng taong bayan.
Nagbabala si Lacson sa publiko na mag-ingat sa pagpili ng mga kandidato dahil sa talamak pa rin ang mga galawan para maiba ang pananaw ng mga botanteng Pilipino at mahalal ang mga politikong magnanakaw lamang sa taumbayan.
Paliwanag ni Lacson na hindi na umano niya kailangang pang sabihin kung sino, pero taun-taon o tuwing eleksyon naman talagang nakakapagboto ang mga kababayan natin ng mga magnanakaw na, alam natin umano na pinagsisihan natin kung bakit natin naboto ang mga tiwala at magnanakaw na politiko.
Sa kanyang pagbisita sa Davao de Oro, inilatag ni Lacson ang kanyang mga plataporma para mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa ‘Food Basket of the Philippines’ kung saan magagawa umano ito kung matatanggal ang mga tiwali sa gobyerno na ipinangako niyang matutupad sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Giit ni Lacson na may mga panatang siyang “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Uubusin ang Magnanakaw” sa kanyang kampanya bilang susunod na pangulo ng bansa.