Manila, Philippines – Nagpahayag ng buong suporta kay Senator Panfilo Ping Lacson ang mga kasamahan niya sa harap ng mga akusasyon sa kanyang ni resigned Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kina Senate President Koko Pimentel, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Leader Tito Sotto III, Gringo Honasan at Bam Aquino, nananatili ang paniniwala nila sa pagiging kredibilidad at pagiging matuwid ni lacson at pamilya nito.
Tanong nina Pimentel at Drilon, bakit ngayon lang nag-iingay si Faeldon kung kailan ibinunyag ni Lacson ang mga katiwalian o tara system sa BOC.
Hamon pa ni Pimentel kay Faeldon, sa halip na ilihis ang isyu ay makabubuting ilabas nito ang lahat ng nalalaman at mga sangkot sa korapsyon sa BOC.
Sabi ni Drilon, tutulan niya ang anumang imbestigasyon laban kay Lacson hanggat walang naipapakitang ebidensya si Faeldon dahil tiyak na magiging pagsasayang lang ito ng oras at pagpatol sa character assassination.
Sabi naman ni Senator Sotto, marahil naniniwala si Faeldon sa kasabihan na the best defense is offense.
Valuation issue lang ang nakikita ni Sotto sa mga paratang ni Faeldon laban kay Lacson at sa anak nito na si Pampi dahil hindi naman aniya iligal ang semento kahit ito ay singhutin mo.
Sabi naman ni Senator Bam, kung totoong may ebidensya laban sa umanoy smuggling ng semento ng anak ni Lacson, dapat noon pa ay may ginawa ng hakbang ukol dito si Faeldon.