Senator Poe, iginiit na marami pang dapat ayusin sa NAIA

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na natanggal na ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa listahan ng worst airports sa buong mundo.

Gayunpaman, iginiit ni Senator Poe na hindi dapat makuntento dito.

Binigyan diin ni Poe na marami pa rin ang kailangang ayusin sa NAIA.


Kabilang sa tinukoy ng Senadora ang mahabang pila sa immigration counter, mahinang air-conditioning system, at congested runways.

Ayon sa Senadora, ngayong ay kailangang pagsikapan naman natin na mapasama sa listahan ng best airports sa buong mundo o kaya ay sa rehiyon ng asya.

Facebook Comments