Senator Poe, umaasang mapahuhusay ng DILG ang contact tracing

Umaasa si Senator Grace Poe na mas magiging epektibo ang implementasyon ng contract tracing sa pamumuno ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Poe, ito ay dahil may limang bilyong pisong pondo para sa contact tracing sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill o Bayanihan 2.

Giit ni Poe, importante talaga ang contact tracing bilang isang napakahalaga at subok nang stratehiya sa pagpigil sa pagkalat ng COVID 19.


Ayon kay Poe, ang mga local government officials ang mas nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan at mas may alam kung paano matutukoy ang mga taong nakasalamuha ng isang virus carrier.

Mungkahi rin ni Poe sa DILG, pakilusin bilang contact tracers sa komunidad ang mga Barangay Health Workers (BHW) o kaya ay mga taong nakakatanggap ng Conditional Cash Transfers (CCT) o mga nawalan ng trabaho.

Bukod dito, isinulong din ni Poe sa Bayanihan 2 ang pagbibigay ng tulong sa mga tsuper ng jeepney at iba pang pampublikong transportasyon na nawalan ng hanapbuhay gayundin ang ayuda para sa mga guro at sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Facebook Comments