Senator Recto, pabor na hindi maisama sa election ban ang infra projects

Manila, Philippines – Pabor si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa apela ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa Kongreso na gawing exempted mula election ban ang malalaking infrastructure project ng gobyerno.

Katwiran ni Recto, maraming proyekto ng gobyerno ang atrasado na sa schedule at ito ay hindi makakabuti sa ekonomiya at sa mamamayan.

Sa umiiral na patakaran, ay maaring magpatuloy ang mga naumpisahan ng infrastructure project kahit may eleksyon.


Pero ang problema, hindi rin ito makausad dahil bawal ang delivery ng mga kagamitan para sa proyekto habang ang mga kawani ng gobyerno na may kinalaman sa proyekto ay ayaw gumalaw dahil takot makasuhan.

Dahil dito ay isinulong ni Recto na maipaloob sa panukalang 2019 national budget ang probisyon para maging exempted ang lahat ng infrastructure project ngayong taon – mula sa magpapalabas ng pondo hanggang sa konstruksyon.

Facebook Comments