Manila, Philippines – Igigiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na huwag ng isama ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo sa isinusulong na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN ng duterte administration.
Sa panukalang TRAIN, ay papatawan ng anim na piso kada litro ang petroleum products kapalit ng pagbabawas sa personal income tax ng mga empleydo na sumusweldo ng hanggang 250 thousand pesos kada taon.
Diin ni Recto, tiyak na magpapahirap sa lahat ng consumers ang dagdag na buwis sa langis dahil asahan na ang domino effect nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sabi ni Recto, ang koleksyon na target makuha mula sa excise tax sa langis ay pwede namang kunin sa ibang paraan halimbawa sa mga financial transactions tulad ng documentary stamp taxes.
Maari din aniyang magpatupad ng burden sharing kung saan mas malaking buwis ang babayaran ng mga mayayaman.
Ikinatwrian pa ni Recto na mali ang timing na mapasabay pa ang dagdag buwis sa langis sa pagtaas ng presyo nito.