Tinalakay kamakailan sa Komite ang mga panukalang batas ukol sa rainwater harvesting na layong magbigay-solusyon sa mga suliranin ng pagbaha at nakaambang kakulangan sa supply ng tubig na parehong dulot ng climate change.
Inihayag ni Sen. Bong Revilla sa interview ng IFM Dagupan ngayong araw na kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa isinusulong at isinasagawang pag-aaral kasama ang DPWH ukol sa mga nararanasang pagbaha sa buong bansa.
Sinabi nito na patuloy pa rin ang pag-iimbestiga at pag-inspeksyon sa mga lugar na nakakaranas ng pagbaha sa buong bansa at para sa gagawing Master Planning sa mga nagaganap na pagbaha at upang magkaroon na rin ng tinatawag na Flood control at tuluyan nang masolusyunan ang pagbaha.
Aniya pa, isinasabay na rin niya ang pag-inspeksyon sa mga lugar na may problema sa pagbaha habang kasabay ng pagsasagawa ng distribusyon ng tulong. |ifmnews
Facebook Comments