Senator Revilla, nanawagan sa publiko na magdoble ingat dahil sa lomolobong kaso ng COVID-19 sa bansa

Pinag-iingat ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ng doble ang publiko sa harap ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng bahagyang pagluwag ng ipinapatupad na quarantine sa iba’t ibang lugar.

Mensahe ito ni Revilla sa mamamayan makaraang madagdagan ng mahigit dalawang libo nitong Linggo at Lunes ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ikina-alarma ni Revilla na sa magkasunod na araw ay parehong mahigit sa dalawang libo ang nahawa ng virus.


Nangangamba si Revilla na kung magpapatuloy ito ay posibleng malagay tayo sa mas delikadong sitwasyon.

Pakiusap ni Revilla sa lahat, mahigpit na sundin ang ipinapatupad ng pamahalaan na health protocols laban sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, palaging paghuhugas ng kamay at pananatili sa loob ng bahay kung wala namang importanteng gagawin sa labas

Facebook Comments