Senator Richard Gordon, ‘ginagatasan’ lamang ang PRC para sa personal na interes – Pangulong Duterte

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Richard Gordon sa paraan ng pamumuno nito sa Philippine Red Cross (PRC).

Sa ikalawang Talk to the Nation ngayong linggo ni Pangulong Duterte na naganap kagabi, sinabi nito na tila ‘ginagatasan’ lamang ni Gordon ang PRC sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Nakakapagtaka kasi na matagal nang pinamumunuan ni Gordon ang PRC na posibleng paraan nito sa pagtakbo sa eleksyon.


Inamin naman ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na interesadong tumakbo si Gordon bilang bise presidente sa 2022 election.

Sa ngayon, hiniling na ni Pangulong Duterte sa Commission on Audit (COA) ang pag-audit din sa Philippine Red Cross (PRC), na isang non-government at non-profit agency.

Facebook Comments