Senator Richard Gordon, handang humarap sa COA

Handa si Senator Richard Gordon na harapin ang Commission on Audit (COA) upang ipaliwanag kung saan napunta ang P86 million na umano’y kinubra niya nang namumuno pa bilang Chairman sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ayon kay Godron, wala siyang dapat ikahiya sa imbestigasyon dahil naging maganda naman ang resulta ng kaniyang pamumuno noon sa SBMA.

Kabilang dito ang paglikha ng maraming trabaho sa mga Pilipino.


Sa ngayon, uumpisahan na ng COA ang imbestigasyon sa subsidiya at fund transfers ng Philippine Red Cross (PRC).

Si Gordon ang Chairman at CEO ng PRC at namumuno rin sa Senate Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments