Senator Richard Gordon, muling bumuwelta kay Pangulong Rodrigo Duterte

Binuweltahan ni Senator Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbabanta nitong kakasuhan ang mga senador kung isa-cite in contempt ang kaniyang mga gabinete.

Ayon kay Senator Gordon, natatakot lamang si Pangulong Duterte na umabot sa malakanyang ang imbestigasyon sa pagbili ng maanomalyang pandemic supplies kapag lumabas na ang partial interim reports ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi tumitigil ang pangulo sa pagpatutsada sa kaniya at pagbabanta na gagawa ng masama ang mga senador.


Nakita naman ni Gordon sa imahe ng pangulo ang wild na pagbabanta sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa likod ng malawakang katiwalian sa administrasyong Duterte.

Facebook Comments