Senator Richard Gordon, nanawagan sa DOH na patuloy na i-monitor ang mga batang naturukan ng Dengvaxia

Nanawagan si Senator Richard Gordon sa Department of Health (DOH) na patuloy na i-monitor at bantayan ang 800,000 na mga bata na binakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Gordon, mas malaki kasi ang tiyansa na makaranas ang mga ito ng Dengue na posible pa nilang ikamatay.

Aniya, kapag hindi pa kumilos ang DOH ay pwedeng mawala ang malaking bilang ng mga batang ito kaya mas magandang maagapan na hangga’t maaga pa.


Pwede rin aniyang makipagtulungan ang DOH sa Department of Education (DepEd) lalo na’t iniutos na rin ng una na bigyan ng bakuna ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments