
Cauayan City – Magsisilbing Keynote Speaker si Senator Risa Hontiveros sa magaganap na opening program ng Regional Schools Press Conference 2025 ngayong umaga, ika-7 ng Abril sa Isabela Convention Center.
Bago maging senador, kilala si Senator Risa Hontiveros bilang isang mahusay na television journalist at news anchor kung saan nakatanggap siya noon ng parangal bilang Best Female News Caster mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Ang Lungsod ng Cauayan ay ang siyang host sa Regional Schools Press Conference ngayong taon, at nagsimula na ito kahapon ika-6 ng Abril at magtatagal hanggang sa ika-9 ng Abril.
Ngayong taon, ang RSPC ay mayroong temang “Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika”.
Kabilang sa mga makikilahok sa patimpalak na ito ay ang mga student journalist mula sa Tuguegarao City, SDO Isabela, SDO Batanes, SDO Quirino, City of Ilagan, SDO Cagayan, Santiago, SDO Nueva Vizcaya, at Cauayan City.
Ang mga contested activities sa individual events ay ang News Writing, Feature Writing, Editorial Writing, Cartooning, Column Writing, Sports Writing, Science-Tech Writing, Copy Reading, at Photo Journalism.
Para naman sa group activities, kabilang rito ang Online Publishing, Collaborative Desktop Publishing, at Radio and TV Broadcasting.