Senator Risa Hontiveros, naghigpit na rin sa kanyang seguridad dahil sa imbestigasyon sa mga POGO

Naghigpit na rin sa kanyang seguridad si Senator Risa Hontiveros bunsod ng pangunguna sa imbestigasyon sa mga iligal na POGO hub sa bansa.

Matatandaang ilang tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at mga testigo laban sa POGO ang nakakatanggap ngayon ng mga banta sa kanilang seguridad at buhay.

Ayon kay Hontiveros, mayroon siyang security at nagiging maingat naman siya para sa kanyang kaligtasan habang patuloy na tinutupad ang kanyang trabaho.


Maagap aniya siya sa mga ganitong usapin partikular na sa mga pagkakataon na mainit din ang imbestigasyon sa Senado.

Dagdag pa ng senadora, patuloy aniya nilang minomonitor ang kanilang seguridad at umaasang huwag umabot sa puntong makakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments