
Boboto kontra sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte si Senator Robinhood Padilla.
Ito ang pahayag ni Padilla sakaling pareho lamang umano sa naunang reklamo at wala namang bagong nilalaman kung umakyat na sa Senate of the Philippines ang articles of impeachment laban sa bise presidente.
Sa kwestyon tungkol sa umano’y maling paggamit ng bise presidente sa hawak nitong confidential funds, sinabi ni Padilla na matagal siyang nasa intelligence work at imposible aniyang gamitin ang tunay na pangalan sa paggastos ng confidential funds.
Kung mayroon aniya na asset, hindi talaga ibibigay ang tunay na pangalan nito.
Nanindigan si Padilla na “neutral” siya sa posibleng pag-akyat sa Senado ng impeachment case laban kay VP Sara at tiniyak na lagi siyang papanig sa taumbayan.










