Friday, February 20, 2026

Senator Robinhood Padilla, handang maging bise presidente ni VP Sara Duterte sa 2028 kung iuutos ni FPRRD

Nagpahayag ng kahandaan si Senator Robinhood Padilla na maging running-mate ni Vice President Sara Duterte sa 2028.

Sa panayam via Zoom, sinabi ni Padilla na nakahanda siyang maging bise presidente ni VP Sara pero mangyayari lamang ito kapag inutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD).

Gayunman, sinabi ng senador na ayaw naman niya sa politika at alam ito ng kanyang ina, asawa at mga kapatid.

Subalit, kung iuutos ni FPRRD ang pag-tandem kay VP Sara sa 2028 ay susunod siya at ganun siya ka-masunurin sa dating pangulo dahil iyon naman ang rason kung bakit siya nasa Senado.

Nang matanong kung handa siya maging vice president, sagot ni Padilla ay pinanganak siyang handa at para sa kanya ang VP ay puro advocacy, parang spare-tire at kayang-kaya niya.

Facebook Comments