Senator Ronaldo Bato Dela Rosa, hindi dapat magbitiw ayon sa isang impeachment lawyer

Walang dahilan para magbitiw si Senator Ronaldo Bato Dela Rosa dahil siya ay malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Atty. Larry Gadon, sa pahayag ng isang radio host na humihingi ng resignation ng senador dahil sa pagiging tapat nito kay Pangulong Duterte.

Sabi ni Gadon, kung ang pagbabatayan ng pagpapabitiw sa isang halal na opisyal ay ang katapatan sa Pangulo ng bansa, ay nakatitiyak siyang wala daw matitira mula sa Kongreso hanggang Senado.


Tulad ni Senator Bato, dapat din daw pagbitiwin na rin ang mga opposition senators tulad nina Sen. Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na kilalang kaalyado at tapat din ang mga ito kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Una nang sinabi ni Sen. Dela Rosa na hindi siya magbibitiw bilang senador dahil ibinoto siya ng 19 milyong mga Pilipino habang ang radio host na humihingi sa kanyang resignation ay hindi naman bomoto sa kanya.

Nag-ugat ang panawagang pagbibitiw kay Bato matapos nitong sabihing ang kanyang katapatan ay kay Pangulong Duterte matapos siyang ipagtanggol sa pagkansela ng kanyang US Visa.

Facebook Comments