Senator Sherwin Gatchalian, bukas sa pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 election

‘Bukas ang aking isipan para dyan’.

Ito ang sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian sa tanong kung posible ba siyang tumakbo bilang bise-presidente sa darating na 2022 election.

Ayon kay Gatchalian, malaking tulong ang kaniyang mga natutunan sa loob ng 20 taong upang mabilis na makabangon ang bansa dahil sa epekto ng pandemya.


Pero paglilinaw naman ng Senador, wala pa siyang pinal na desisyon ukol dito.

Matatandaang kamakailan lamang sa isinagawang pulong ni House Speaker Lord Allan Velasco ay nagkausap sina Gatchalian at Mayor Sara Duterte-Carpio kung saan inilatag ni Gatchalian ang kanyang plano para sa bansa.

Facebook Comments