Senator Sherwin Gatchalian, handang magboluntaryong magpabakuna para maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa immunization program ng pamahalaan

Handang mag-volunteer si Senator Sherwin Gatchalian na tumanggap ng COVID-19 vaccine bilang bahagi ng hakbangin ng national vaccination program na maalis ang agam-agam ng publiko sa pagpapabakuna.

Bagama’t may sinusunod na priority list ng mababakunahan, sinabi ni Sen. Gatchalian na pwede siyang magpabakuna bilang suporta sa vaccine rollout ng pamahalaan kung wala namang malalabag na batas.

Nais ding patunayan ni Sen. Gatchalian na hindi lahat ng pulitiko ay pihikan sa brand ng bakuna.


Ang mahalaga aniya ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna kung saan dumaan ito sa masusing pag-aaral at evaluation.

Kumpiyansa si Sen. Gatchalian na sa mga susunod na araw ay tataas pa ang bilang ng mga nagpabakuna gamit ang Sinovac vaccines.

Facebook Comments