Senator Sherwin Gatchalian, hinamon si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Wen Yi Lin na sumalang sa DNA test

Hinamon ni Senator Sherwin Gatchalian si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumalang sa DNA test gayundin ang pinaghihinalaang ina nito na si Wen Yi Lin.

Ito ay upang malaman kung si Wen Yi –– na isang Chinese national, ang biological mother ng alkalde.

Giit ni Gatchalian, napakadali lang mag-imbento ng kwento kaya mainam na magpa-DNA test sina Mayor Guo at Wen Yi para mapatanuyan din nila na hindi totoo ang mga lumalabas na impormasyon.


Una nang pinalutang ng senador ang posibilidad na si Wen Yi ang ina ni Mayor Guo dahil palaging kasama ang pangalan nito sa mga dokumento ng kanilang family businesses.

Nasa 170 beses din na bumiyahe si Wen Yi kasama ang ama ni Mayor Guo na si Jian Zhong Guo.

Samantala… Sa June 5, itinakda ng Senado ang executive session hinggil sa kwestiyonableng pagkatao ni Mayor Guo at ang posibleng koneksyon nito sa mga ni-raid na POGO sa Bamban na pinaghihinalaang sangkot sa surveillance activity at hacking ng ilang website ng gobyerno.

Facebook Comments