Senator Sherwin, tiwalang lulusot ang Death penalty bill kung sasaklawin lang nito ang drug related cases

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senator Sherwin Gatchalian na lulusot sa Senado ang panulalang ibalik ang parusag kamatayan.

Ito ay kahit pa idineklara na ni senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang death penalty bill sa Mataas na Kapulungan dahil limang senador lang ang sumusuporta dito.

Ayon kay Gatchalian, malaki ang tsansa na makakuha ng suporta mula sa mayorya ng mga Senador ang death penalty bill kung sasaklawin lang nito ay mga drug related cases.


Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil mayorya ng mga senador ay sumusuporta sa kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.

Facebook Comments