Senator Sonny Angara, walang plano sa 2022 elections

Nilinaw ni Senator Sonny Angara na wala siyang plano para sa 2022 elections dahil siya ay lubhang abala sa trahaho sa Senado.

Diin ni Angara, bilang Chairman ng Senate Finance Committee ay nakatuon sya sa pagtulong paghanap ng mga solusyon sa COVID-19 pandemic.

Gayunpaman, ayon kay Angara, isang karangalan na nababanggit siya at naikokonsiderang isabak sa matataas na pwesto para sa susunod na eleksyon.


Pahayag ito ni Angara, makaraang lumutang ang pangalan niya sa mga isinusulong na makatandem ni Davao City Mayor Sara Duterte sakaling magpasya itong tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na halalan.

Facebook Comments