Senator Sotto, ipinagtanggol si Senator Honasan kaugnay sa kinaharap na kasong graft

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senator Majority Floor Leader Tito Sotto III ang kasong graft na isinampa ng Ombusdman laban kay Gringo Honassan dahil sa umano’y maling paggamit ng pork barrel funds.

Ayon kay Senator Sotto, hindi niya inaasahan ang nabanggit na kaso laban kay Honasan.
Giit ni Sotto, hindi naman mga senador ang implementing agency ng mga proyekto o programa na pinopondohan ng Priority Development Assitance Fund o PDAF.

Paliwanag pa ni Sotto, hindi naman dumaaan sa mga mambabatas ang pork barrel fund na hinihingi sa kanila ng ibat ibang organisasyon.


Binanggit pa ni Sotto na kahit ang yumaong si senator Miriam Defensor Santiago ay nagsabi noon na walang kinalaman ang mga senador kung paano ginamit ang hininging PDAF sa kanila.

Sabi ni Sotto, malinaw sa paliwanag noon ni Senator Miriam na ang papel lang kasi nila ay mag apruba sa hininging pondo para sa isang proyekto at hindi naman uubrang inspeksyunin pa nilla bawat pako at bawat sementong gagamitin sa proyekto.

“Oo unexpected. Kahit si Sen. Miriam yun ang sinasabi noon eh anong malay namin? Nahingan na kami, binigay namin. Papel yung binigay namin. Anong pakialam namin kung anong ginawa nila dun. Hindi naman kami implementing agency. Hindi naman dumaan ang pera sa amin. Wala rin kaming pakialam, hindi namin pwedeng inspectionin bawat pako at bawat sementong gagamitin,” pahayag ni Senator Sotto.

Facebook Comments