Manila, Philippines – Hindi aatras si Senate President Tito Sotto III sa kanyang pagsisikap na mapagkasundo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga lider ng simbahang Katoliko.
Tugon ito ni Senator Sotto sa pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV na malabong magtagumpay ang nabanggit na plano dahil malalim ang pinaghuhugutan ni Pangulong Duterte laban sa simbahan.
Katwiran pa ni Trillanes, ilang beses nang sinubukan na maayos ang gusot sa pagitan ni Pangulong Duterte at simbahan pero walang nangyayari.
Pero diin naman Senator Sotto, hindi sya agad susuko dahil mas mabuti kung susubukan niyang makatulong na mapahupa ang palitan ng tirada ng pangulo at ng ilang katolikong pari at obispo.
Facebook Comments