Manila, Philippines – Mga pakielamero!
Ito ang mensahe ni Senate Majority Leader Tito Sotto iii sa mga mambabatas sa amerika na nag uudyok kay US President Donald Trump na talakayin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng Extra Judicial Killings o EJK.
Bilang ganti ay plano rin ni Sotto na hikayatin si Pangulong Duterte na talakayin din kay President Trump ang mass killings ng mga Amerikano at ang isyu ng gun control sa kanilang bansa.
Ayon kay Sotto, gagawin niya ito kung itutuloy ni President Trump na ungkatin sa pulong nila ni Pangulong Digong ang isyu ng patayan sa Pilipinas kaugnay sa ikinasang war on drugs ng Duterte administration.
Facebook Comments