Senator Trillanes, binalaan ang publiko kaugnay sa hirit na extension ng publiko

Manila, Philippines – Muling binalaan ni opposition senator Antonio Sonny Trillanes IV ang publiko kaugnay sa pagiging authoritarian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes kasunod ng hirit ng Pangulo na extension ng martial law sa buong Mindanao.

Diin ni Trillanes, ito ay isang maling paggamit ng Pangulo ng kanyang kapangyarihan ng magdudulot ng inconvenienced sa mga mamamayan sa Mindanao.


Giit ni Trillanes, walang basehan ang pagpapalawig pa ng Batas Militar sa Mindanao dahil mismong Armed Forces of the Philippines na ang nagsabi na nasa 60 na lang ang Maute na naghahasik ng gulo sa Marawi City.

“The AFP itself said the Mautes are down to 60. So, in other words, the people of Mindanao would be by Martial Law just to neutralize the 60 Mautes who are cornered in Marawi? That’s just a whimsical misuse of power. Then again, I have already forewarned the public of Duterte’s authoritarian tendencies and this is another proof of it,” pahayag ni Senator Trillanes.

Facebook Comments