Senator Trillanes, binatikos si Senator Gordon sa planong reinvestigation sa Mamasapano encounter

Manila, Philippines – Agad binara ni Senator Antonio Trillanes IV si Senator Richard Gordon kaugnay sa plano nito na muling imbestigahan ang Mamasapano incident na naganap noong January 2015.

Kasama pa sa plano ni Senator Gordon na imbitahan sa gagawing reinvestigation ng Senado si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Giiit ni Trillanes, mas aatupagin pa ni Senator Gordon yung nakaraang issue na piniga na ng husto ng dating Kongreso pero wala itong panahon na imbestigahan ang pagkamatay ng libu-libong Pilipino sa kasalukuyan.


Ang hakbang ni Senator Gordon, bilang chariman ng Senate Justice and Human Rights Committee ay matapos na irekomenda ng Ombudsman na sampahan ng kaso si dating Pangulong Aquino kaugnay sa pagkatamay ng 44 na operatiba ng PNP Special Action Forces sa nangyaring Mamasapano encounter.

“Mas aatupagin pa ni Senator Gordon yung nakaraang issue na piniga nang husto ng dating Kongreso pero yung mga libo-libong pinapatay na Pilipino sa kasalukuyan, wala siyang panahon,” mensahe ni Senator Trillanes.

Facebook Comments