Senator Trillanes, iginiit na walang basehan ang pagpapakansela sa kanyang piyansa

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na nagpaalam siya at pinahintulutan ng korte ang pagpunta niya sa The Netherlands, Spain at United Kingdom noong December 11, 2018 hanggang January 12.

Diin ni Trillanes, ang pahintulot na siya ay makalabas ng bansa ay malinaw na nakasaad sa kautusan ng korte na inilabas noong December 10 ng nakaraang taon.

Pahayag ito ni Trillanes makaraang maghain motion ang kampo ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Pulong Duterte na humihiling sa Davao Court na kanselahin ang kanyang pyansa para muli siya maipaaresto.


Ngayong darating na January 27 hanggang February 10 ay nakatakda namang magtungo sa Estados Unidos si Trillanes.

Facebook Comments